Monday, September 22, 2008

Revelation of the Accused

WARNING!
If you are unrelated to this blog post, chances are the next few lines will mean nothing to you.

"A summary of the conversation that allowed the Curse to happen"

Let the asker be named, "The Accused"
Let the asked be named, "The Unknowing Accomplice"
Let the the target of the Accused's intentions be named, "The Victim"

Naglalakad ang dalawang magkaibigan sa Agham Rd. Mayroon silang pinag-uusapan. Medyo agresibo ang isa sa kanila. Kanina pa sila nag-uusap. Mukhang may gusto siyang malaman na hindi siya susuko hanggang makamit.

"Sige na, ibigay mo na sakin yung password mo."
"Ayoko, baka kung ano gawin mo eh."
"Ha? Katulad ng ano?"
"Ha? Ah.... ewan ko. Baka mang-blackmail ka. I can't take the risk."
"Ako? Blackmail? Kilala mo naman ako. Isa ba akong taong nang-bblackmail?"
"Hindi, pero -- nandoon pa rin yung risk eh."
"Anung risk? Kilala mo naman ako. Hindi ako blackmailer. Sa tingin mo ba, mang-bblackmail ako?"
"Ahhh... Hindi. Pero--"
"Ayun naman pala eh. Ibigay mo na sakin. Wala namang mawawala sa 'yo eh."
"Ayoko pa rin. Bakit mo ba gusto?"
"Wala lang. Basta, ibigay mo nalang. Tutal, hindi mo naman ginagamit. Kilala mo naman ako, at hindi ako hacker. Hindi rin ako nang-bblackmail. Hindi pa ba sapat yun para iguarantee ang iyong peace of mind?"
"Ha? ah... Sige na nga! Basta wala kang gagawing makakasama sa aking reputasyon. Ayokong magkaroon ng kaaway na hindi ko alam."
"'Wag ka mag-alala. Sasabihin ko sa 'yo 'pag may kaaway ka na."
"[laughs], 'wag! Basta wala kang ibblackmail, at mga iba pang kagaguhan."
"Sige, promise! Walang mangyayaring masama sa account mo, at wala akong ibblackmail o iinsultuhin o babastusin."
"Sige, ang password ko ay _______"
"Ano, ulit? [gets phone]"
"_______. Alam mo na username ko 'di ba?"
"Oo. So, __..._____. Tama ba?"
"...Oo. Siguraduhin mo wala kang gagawing masama ha!"
"Syempre. Hindi naman ako masamang tao. Wala rin naman akong mapapala kung gawan kita ng kaaway. Magkaibigan naman tayo."
"Yeah. Sige"

Naghiwalay sila sa Quezon Ave. Tumawid ang isa sa kalye. Ang isa naman ay kumaliwa papuntang Quezon Circle, at tumigil sa harap ng Philippine Children's Medical Center. Doon, siya ay may naisip na plano. Natandaan niya ang kanyang isang kaibigan, at ang nangyari nung Fair. Mukhang nakalimutan niya na may ipinangako siya sa kanyang kaibigan. "Hindi naman niya mapapansin. Hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon niya. Hindi ako masamang tao. Gusto ko lang talaga gawin 'to!"

Kung ano man ang kanyang binabalak, nagawa niya. Nagtagumpay man siya o hindi, hindi niya sigurado.

No comments: